7.31.2007

nakakainis ka.

naiinis ako.
bakit ba kasi may mga taong ganon?
akala mo kung sino kung makausap ka. maitim rin pala ang budhi tulad ng iba.

ang akin lang naman, kung may problema ka.
wag mong kimkimin. mas makakabuti kung mapaparating mo yan sa kinauukulan.
sa paraang objective. at hindi naman paninira diba?
tignan mo ngayon. ang maliit mong isyu ay ang laki na.

at naisip mo ba na hindi lang ikaw ang naapektuhan?
damay ang lahat dito. and obviously, walang win-win situation.
nabu-buwisit ako sayo. sa inyo. nag-iba na kasi ang lahat.
dati, sobrang bilib ako sa'yo. oo, mas sayo. sa mga bright at innovative ideas mo.
akala ko, nakahanap na ako ang taong nakakaintindi sakin.

okay ang philosophical at intellectual "intercourse" natin, as you put it.
pero ano na to ngayon? ano ka na? ano ang problema mo.
halatang meron kang mabigat na dinadala. nalulungkot ako.
na naiinis. gusto kong maiyak sa frustration.

hindi ko inaasahan ang lahat ng ito.
bakit iba na? iba na mula sa dati kong kinagisnan.
naiinis ako... Lord, bakit ganito?

Labels:

.:0 SpanK Me:.

Post a Comment

<< Home