7.28.2007

bigla akong napanganga...

kanina, ako ay sumaglit sa "mall" upang gumawa ng munting errand.
ay oo nga pala, ang bill ko sa celfone ay due na talaga.

kampante akong lumakad dahil alam kong meron akong sapat na halaga sa bulsa.
pagdating ko sa counter. nag-inquire ako sa binibining nakaluntian na blouse.
ingles pa nga e. sosy effect.

nagmagandang loob na rin akong nagbayad ng bill ng nakababata kong kapatid. deal namin yon.
ako ay naghintay ng ilang sandali. ayun, binigay na niya ang balance ng dalawang bills.


bill number 1: 0917***1513. balance til June 20: P1,ooo+++
ayos lang, ganyan naman talaga ang budget ko sa lumang sim ko. 1k halos buwan-buwan.

pero ang sumunod ang di ko kinaya...


bill number 2: 0917***1738. balance til June 20: P800
current amount incurred: P3,ooo+++

P3,ooo+++ huwaaatttt?!?
ito na yata ang pinakamalaking bill na babayaran ko.

literal na napa-huwaat?!? ako sa tapat ng lady cashier.
kung makikita niyo siguro ako, namumuti nako sa gulat.
susko. sa loob ng kulang-kulang na isang buwan ay umabot ng ganon kalaki ang bill ko?
patay ako sa mga magulang ko kapag nagkataon
.

haaay. ayun, nasimot ang dala kong halaga.
may iilang barya pang natira. haaay. nagtira pa diba?

nararamdaman kong pagluluksaan ko ng ilang araw ang "pagnanakaw" na naganap.
hindi naman nila kasalanan.
naging kampante ako, at hindi nakapag-subscribe sa kanilang unlitxt promo. ayan tuloy.


lesson learned talaga.
susubukan kong mag-fasting sa pakikipagchikahan sa aking mga friends. boylets lalo.
goodluck talaga sakin. haaaay. kailan kaya ako magtatanda?


i had to learn the lesson the hard way.
it hurts sooo bad. i couldn't even think how i'd survive the next day. saan na ako kukuha ng pang-kain diba?
ang layo pa naman ng sweldo.

kawawang bata:(

.:0 SpanK Me:.

Post a Comment

<< Home