HOY! PINOY AKO!
feeling: distracted-slash-shifty
oh well, i'm going to steal someone else's idea so, please forgive me.. babyziz .. hehe.
dahil agosto ngayon, naisipan ng aking kapatid na sumulat ng kanyang talambuhay sa Filipino, at dahil hiniram ko lang ang kanyang ideya... gagawin ko lang ito sa "entry" na ito...
kanina nung ako ay papunta sa aking opisina, naglalakad sa kalye ng Soria (hindi, DiviSORIA.. basta, kalye ito sa Makati sa likod ng AIM, malapit sa Greenbelt.. o yan, alam mo na ha?)... may mga manong na bumati sa akin, "Good morning, ma'am!" hehe. sanay naman ako na masabihan ng kung anu-ano lalo na kung ako ay ngco-commute lang.. pero may mga hinirit pa sila... "KONICHIWA! HARIGATO GUSAIMAS!" (pasensya sa spelling kung ito ay mali)
natawa ako. napangiti pala. napagkamalan na naman akong taga-Silangang Asya. kung hindi Tsino, Hapon naman, o Koreano... haay. minsan, natutuwa ako kasi mahilig naman ako sa kultura nila. east asian aficionado ika nga. pero ngayon, medyo may tumarik sa aking puso. PINOY AKO... at medyo masakit ata yon na hindi ako mukhang Pinoy.
pero kung tutuusin, wala naman talagang Pilipino na mukha talagang Pilipino. yan, ang ipinagkaiba natin sa mga ibang bansang Asyano. diversified ang ating lahi. kaya ang sukatan, pagka-Pinoy na lang sa isip, sa puso, at diwa.
Ipinagmamalaki ko na ako ay Pilipino. Mahal ko ang Pilipinas. pero naiinis lang ako na hindi lahat ng tao ay ganito. Yan ang mali sa atin. Kaya tayo hindi umuunlad. Makasarili, imbes na Makabayan.
Hay, Lord, ikaw na ang bahala sa amin... nawa'y dumating ang araw na matatauhan rin kami.
Basta, kahit sa maraming beses pa ay mapagkamalan akong taga-ibang lahi... wala akong pakialam... mahal ko ang Pilipinas. may malasakit ako sa kapwa ko Pilipino... at buong tapang kong ihahayag at isisigaw na.. HOY! PINOY AKO!
.:0 SpanK Me:.
Post a Comment
<< Home