uso pa pala yun?
(ummm. nahahawa na ba ako?)
nung mga nakaraang araw, meron akong na-engkwentrong isang nilalang sa aking pagbisita sa mga katrabaho sa banda roon. i'm sorry, pero hindi ko mapigilang matawa at mamangha at the same time. akala ko, papansin lang ang pagiging mala-Balagtas niya sa pagsasalita. but i'm sorry, totoo palang maypagka-ganon ang pagsasalita niya. ang lalim masyado magtagalog. napapanganga ako sa disbelief.
okay lang sana e, kaso medyo nakahanap siya ng paraan na makuha ang number ko. thanks to my teammate na nagpaalam pa na ipapamigay pala ang number ko. (take the hint of sarcasm right there). anyway, dahil colleague naman natin si Balagtas, kailangan siyang pakisamahan. mahirap atang matatakang "antipatika" lalo na kung parehas lamang ang organisasyong inyong ginagalawan.
sa madaling salita, kinikilala na niya ako. haay, minsan, kapag inaatake siya ng sumpong, nahihirapan akong magbasa ng mahahabang lathala niya. bakit ganon? does it mean i can't fully understand my native tongue, in its purest form? nakakaaliw actually na medyo may certain effect pala talaga ang pagka-romantiko ng ating wika. pero ang hirap iprocess, i have to read it thrice before i could fully grasp the whole message. weird so weird.
i thought i couldn't put up with his way of communicating. thank God, normal na tao rin pala siya. and he can speak the colloquial Pinoy language. buti na lang talaga. kung may nosebleed sa super English, i believe that this is its counterpart.
mala-Balagtas sa pagkamatatas.
uso pa pala yun?
Labels: on love and life, Pinoy
.:0 SpanK Me:.
Post a Comment
<< Home