kwentong bobo
i know that you've been (well, at least?) put in a spot.
a point when you felt you were a tad bit stupid.
you may laugh at my story. so what?
kwentong bobo
ito ay hango sa tunay na buhay.
isang kwento na maaring bansagang "tatanga-tanga" o di kaya'y nagtatanga-tangahan.
kayo na ang bahalang humusga.
ngunit bago ako magsimula, nawa'y di magbago ang pagtingin niyo sa mga ilalathala.
once in a blue moon scenario ika nga. at di na ito maaaring maulit pa.
(Good Lord, not anymore)
bago pa ang tinakdang araw ng pagkikita, pawang may kaba para sa bukas na darating.
tanong dito, tanong doon. meron kasi akong tendency na maging "unsure" sa mga bagay-bagay. na kahit sanay na sa isang larangan, nawawala ang pagka-gagap dito tuwing ako ay naa-uproot sa kinasanayang sitwasyon. adjustment issues , oo maaaring yun na nga yun.
manilenyang promdi. parang naging ganon na ata ako lalo na karamihan sa aking panahon ay nagugol ko na sa faraway land. hindi na ako masyadong sanay sa gulo ng maynila. parang naku-culture shock ako tuwing ako ay nakakauwi. ang labo. pero ganon nga talaga.
hindi ko na ito papahabain. sa madaling salita. muntik-muntik na akong mawala.
north metro. oo, inaamin ko, hindi ko kapa ang lugar na ito. nag-aral ako sa diliman ng apat na taon pero di ko alam ang lahat ng sulok ng quezon city. kahit na nagco-commute ako, hindi naman ako gala kaya di ko talaga nasuyod ang buong siyudad. (yup, i'm a southerner. "sheltered" na nagpupumilit magpaka-indie. well sort of.)
"kapag marunong kang magbasa. hindi ka mawawala."
"magtanong kung hindi na alam kung nasaan..."
ito ay ilan lamang sa mga tips na natatandaan kong ipinabaon sakin ng aking mga magulang.
ewan. pero minsan bakit parang sinasadya ko atang wag itong tandaan. kawawang bata.
ang klaro ng instruksyon. bakit di mo sinunod? hmmm.
ang sabi, bumaba sa McDo-Ever dahil dun ang meeting place.
bakit ka lumampas? at ang smart mo, para magpanggap na matapang at sa Sandigan mo pa napiling bumaba. very smart. bright child, my dear.
kasi naman. nag-feeling Senyorita ang bata.
hindi porque nagka-agreement kayo ni manong driver na sa Ever ka ibababa ay hindi ka na papara when you get to the place. ayan tuloy ang napala mo. tsk tsk.
pasalamat ka na lang at "helpful" ang mga nakatabi mo sa FX.
napansin na iba na ang kinikilos mo. kahit medyo huli na ay natulungan ka pa nila.
"taga-san ka ba? mukhang hindi ka taga-rito."
"umm. taga-South po ako. Hindi ako sanay sa part nato ng QC."
pero bakit sa Sandigan ka bumaba? aba, malay kong may "reputasyon" ang Sandigan na yon?
nagulat ang friends ko in finding out na don ko pa napiling bumaba. buti na lang daw, di ako naholdap. (Lord, thank you for the protection.)
to make matters worse. i decided to take the hike from Sandigan all the way to Ever.
hmm. nung panahon na yun? feeling ko topspeed ang legs ko. nagtataka ako kung bakit ang bilis kong maglakad. at kinaya kong tapusing baybayin ang kahabaan ng distansya from point A to point B. oo, halos mag-collapse ako pagdating sa McDo. at naramdaman kong na-drain ang aking lakas.
sa totoo lang, nahiya akong ikwento to sa mga kaibigan ko.
100% sure kasi akong pagtatawanan nila ako. embarrassing indeed.
pero i felt that i had to let it out.
oo, tanga na kung tanga. pero tapos na yun. i learned my lesson. the hard way.
"mag-para kung san talaga bababa."
ngarag. hindi ko na yun uulitin.
PROMISE.
.:0 SpanK Me:.
Post a Comment
<< Home