kwentong komyuter
naisipan kong isiwalat ang aking saloobin bilang isang kawawang komyuter sa kalakhang maynila.
kaya't heto na. sigurado akong marami ang tatango't iiling.
sa mga hindi makakuha ng mensahe, aba'y ang swerto niyo!
dahil marahil, ilan ka sa di nabibilang sa demograpikong ito.
...
sa bawat pagising sa umaga, na pawang napakaaga.
upang maligo at gawin ang iba't-ibang ritwales.
paghahanda sa pagpasok sa opisina.
hahalik sa aking mga magulang, at kami ay babasbasan.
lalabas ng pinto. tutunguhin ang lansangan.
palabas ng aming munting pamayanan. mag-aabang ng unang sasakyan.
traysikel, yan ang tawag sa kanya. pawang mura ang bayad sa umaga.
(pero pag uwian na, ten million times na ang patong sa kanya!)
kapag umuulan. ikaw ay matatalsikan. kapag minalas ka pa, para ka ring pinausukan.
haaaay. ang saya. minsan iniisip ko, para san pa't ako'y naligo pa!
konting tiis lang, ihahatid ka sa terminal ng pangalawa kong sasakyan.
dyip, ang pambansang transportasyon, ika nga ng iba.
mabuti pa sa terminal na ito, pawang may kaayusan.
bayad muna bago sakay, at siyempre lahat ay pumipila - naghihintay na makalarga.
nakakainis lang, ang mga pasahero ay pilit na pinagkakasya. upuang tig-pito, ay tig-walo raw.
feeling pa nila, lahat ng tao ay one-size fits all. goodluck na lang kung may ma-jubis sa hilera!
ito na. biyaheng langit? hindi naman, sa skyway lang ang daan. kaya't kapit na ng mahigpit.
pati ang iyong buhok ay ikipkip. libreng blowdry para kikay. hmmm. ang bango, usok scent ang uso.
ilang saglit lang, babalik na sa lupa. ang init ng polusyon iyong madarama.
sa pagliko ng magallanes, masi-stress ka. mga dyip na nagigitgitan. haayy, ano ba!
hindi lang yan, mga hari ng lansangan pawang nagkakarera. sa kaliwa't sa kanan, asan ba ang daan?
hindi na ako makahinga. ang kapal ng usok na kanilang binubuga, mas masahol pa sa yosi kadiring mama.
konting tiis na lang, bababa ka na. nakikita mo na ang estasyon ng ikatlong sasakyan.
pero bago yan, dito na ba tayo bababa? sa third lane ng kalsada?!? pinapamadali ka pa!!!
ayun na, nakababa na kami isa-isa. kumakaripas ang mga paa. yakap-yakap ang mga dala.
kasi kung tatanga-tanga ka, masasalisihan ka at malas mo na lang kung nadukutan na. (experience?)
haaay. hindi na naman ako makahinga. ang daming tao. umaakyat ng matatarik na hagdan.
sandali lang. hinga ng malalim. hinga. hinga. bukas ng bag. patungo sa himpilan.
may inspeksyon pang nalalaman na sumpungin naman. minsan din hindi naman nila tinitignan.
pero kapag na-bingo ka, si mamang sekyu ikaw ay susungitan!
my goodness. kalahati pa lang to ng biyahe. take note, mahaba ang mrt.
taft avenue station, dito kami sumasakay para naman makaupo kahit sandali lang.
minsan sinubukan kong orasan, mga bente minutos ang biyahe ng tren.
makulay rin ang biyaheng ito. people watching, paboritong pasttime ko, my pren. (jologs?)
inaalam kung sinong taga-UP. nakikinig ng chismis ng iba. nang-ookray ng outfit ni lola.
teka, parang ang sama nun ah. ipipikit ang mata, at magdadasal, hihingi ng tawad muna.
Cubao station. ika nga ng operator. tatayo nako, at dito ay bababa. kasabay ang kalahati ng madla.
sana'y matapos na ang aking biyahe, dahil feeling ko... isa na akong bilasang isda.
bukod sa biyahe, walang humpay rin ang lakaran. kaya lalo kong nararamdaman ang kahinaan.
umaga pa lang, stressed na. oops, teka teka pang-apat ng sakay, ito na.
dyip ulit ang pang-apat na sasakyan. kaya't di ko na kailangan pang isalaysay.
ilang minuto nalang, nandyan na. ako ay papara, at sa tapat ng opisina ay bababa na.
pagsilip ko sa salamin. buhok ay pawang hinangin. bawat paghinga'y malalim.
puting damit halos ay mangutim. huhugasan ang mga kamay, nanlilimahid sa dumi. haaaay.
itutuloy ko pa ba? listahan ng reklamo't problema. tandaan na ito ay biyaheng pang-umaga.
sa oras ng pag-uwi, araw ay kumukubli. ang tanging kaibihan. sasakyang de aircon kapag uwian.
okay sana kung sarili kong kotse. pero van na kolorum aking sinasakyan, shuttle ang tawag dito 'pre.
ipipikit ang aking mga mata. pagod sa buong araw, pilit na itutulog muna.
haaay. kaskaserong mga driver. polusyon na pawang normal na hangin na.
gitgitang nakakairita. kapwa pasaherong minsa'y nagmamaldita.
ilan lamang yan sa makulay na aspeto ng isang komyuter.
salamat na lang, the week's almost over.
weekend car, here we come!
public transpo, na-ah, not this time.
hahahaha. tama na ang pag-aambisyon.
mag-ipon na kayo't tuparin ang inyong misyon.
((i say: my goodness. badtrip talaga mag=commute dito sa pilipinas!!! incovenient to the highest level))
Labels: la vie, philippines, public transportation